bilang na araw ko
(55 downloads)
bilang na ang mga araw ko. mga ilang araw na lang ay lilipat na ako pabalik ng manila. malungkot. matagal na din akong naninirahan dito sa isla ng cebu. 4 na taon sa kasalukuyan. sa kalagitnaan ng mga taon na iyon. natutunan kong mahalin muli ang kulturang pilipino. isa sa mga hahanaphanapin ko sa cebu ay ang kawalan ng mabigat na trapiko. pangalawa, ay ang pagkain na hindi lang mura, masarap, sariwa at ang pinaka importante sari sari (pochero, balbacua, tinowa, sinugbang isda at pusit, at marami pang iba). pangatlo, sariwang hangin dahil malapit ang syudad sa dagat. malapit din sa mga bundok. panghuli at higit sa lahat ay ang mga taong tumulong sa kin sa aking maikling lakbay sa buhay. salamat sa kanila .. salamat sa iyo .. :)




